Martes, Disyembre 10, 2013

Biglang kilig

Hindi ako macrush na babae. Madalas akong makakita ng pogi, kunwari kikiligin ako. Pero 30% kilig lang yun. Kumbaga sa shooting, acting lang. Di ko alam kung bat ganon ako. Siguro kasi likas sa babae yung makakita lang ng pogi titili na. Ayyyyy! Iloveyou! Mahal na kita! Anakan mo ko! Mga ganun. Hahaha! Especially sa mga beki.

Pero pinaka wagas na kilig ko talaga eh yung mga biglang kilig kung aking tawagin. Hehehe. Madalas eto yung moment na nakikinig ako ng kanta, motsly opm... tapos mapapangiti ako kahit malungkot yung kanta kasi crush ko na yung boses. O kaya naman nanunuod ako ng banda, tapos maiispotan ko yung drummer tas sya at sya nalang yung titignan ko habang nakangiti hanggang matapos yung kanta.

Di naman talaga ko mahilig sa pogi. Mas bet ko kasi yung gwapo ang boses, pogi tumawa o kaya naman marunong mag gitara o kahit anong instrument. Basta yun! Minsan nga kahit may butbit lang ng gitara crush ko na lalo pa pag tall, dark and funny kung hindi funny bet ko yung medyo suplado mala wa che ley ng ef for! Hihi

posted from Bloggeroid

Biyernes, Disyembre 6, 2013

Unang post.

Nachugi si Arkins. Ilang araw na nakakalipas nung nakita ko siyang hindi na gumagalaw dun sa banga na tulugan nya. Siguro namatay sya sa sobrang kalungkutan, ginaw at galis. Sorry Arkins, hindi kita naalagaan. Hindi pa siguro ako handang magmahal ulit ng doggy. RIP Arkins.

posted from Bloggeroid